Patay ang isang babaeng Norweigan dahil sa rabies na nakuha niya sa isang iniligtas niyang tuta habang ito ay nasa Pilipinas.

Ayon sa mga kaanak ni Birgitte Kallestad, 24, nagbakasyon sila sa bansa ng makakita sila ng tuta na nakakalat sa kalsada.

Ito ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa rabies sa bansang Norway sa mahigit na 200 taon.

Nais ng pamilya ni Kallestad na baguhin ng Norway ang ipinapatupad nilang batas na hindi nagiging compulsary ang pagpapabakuna ng anti-rabbies sa kanilang mga kababayan.