-- Advertisements --

CEBU CITY — Sa kulungan ang bagsak ng isang babae mula sa Dumaguete City, Negros Oriental matapos nahulihan ng pake-paketeng shabu na isiniksik sa loob ng puto maya sa loob ng selda.

Kinilala ang nasabing suspek na si Anna Shila Christine Lacson, 27-anyos, at nakatira sa Brgy. Looc ng nasabing lungsod.

Isinalaysay ni Police Staff Sgt. Matt Balahan ng Dumaguete Police Station na naghahatid sana ng snacks si Lacson papunta sa kanilang lock-up cell kung saan nakakulong ang isang nagngangalang Sherwin Baguio Gumira.

Nakakulong naman ang detainee na si Gumira dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay Balahan na nagdududa umano ang mga police on-duty sa mga galawan ni Lacson kaya kinapkapan naman ito ng isang babaeng pulis.

-- Advertisement --

Dahil walang nakalagay na shabu sa loob ng katawan ng suspek, kinalkal nila ang dala nitong puto maya at doon nakita ang ilang pakete ng shabu.

Narekober ngayon ng mga pulis ang ilang pakete ng shabu na nasa 1.5 grams ang bigat nito at nagkakahalaga ito ng higit sa P10,000.