DAVAO CITY – Sinampahan ng kaso ang pinaniniwalaang mentally challenged na nang-agaw ng armas sa isang babaeng pulis sa harap ng Brgy. 40-D, Quimpo Blvd nitong lungsod.

Ayon sa San Pedro PNP, kasong theft ang isinampa laban sa suspek maliban pa sa kasong attempted murder matapos na kanyang binaril ang isang Antolin Cañon Jr., 41 anyos, isang Army reservist at residente ng Sirawan Toril nitong lungsod.

Ligtas naman ang kalagayan ng biktima na umawat lamang ng mangyari ang insidente.

Sa imbestigasyon ng otoridad, nasa labas ng mall ang isang pulis matapos magsagawa ng inspection ng bigla na lamang inagaw ng suspek ang armas na nasa kanyang holster habang pabalik ito sa kanyang puwesto.

Nakilala ng suspek na si Sarah Jane Maog Timbal, 18- anyos, residente ng La Filipina, Tagum City na kasalukuyang nasa kostudiya ng San Pedro PNP at hinihintay pa ngayon ang resulta sa isinasagawang imbestigasyon ng mga doktor sa kanyang kalagayan.

-- Advertisement --