Isa na namang Boeing 737 aircraft ang bumagsak sa St. John’s River sa Miami Florida bandang 9:40 ng gabi.

May sakay na 133 pasahero at pitong crew members ang Flight BSK293 na galing sa Naval Air Station Jacksonville.

Kinumpirma naman ni Jacksonville Mayor Lenny Curry na ligtas ang lahat ng pasahero sa nasabing eroplano.

Hinihinala na sanhi ang pagsadsad nito sa ilog sa malakas na bagyo sa lugar.

Ito na raw ang ikalawang beses na nasangkot ang parehong modelo ng aircraft kung saan ang unang insidente ay nangyari noong Setyembre 28, 2012 sa Concord Regional Airport sa North Carolina. Sakay nito ang grupo ng NASCAR drivers na sumadsad din sa talahiban ng runway. Kaagad namang natanggal ang eroplano mula rito at walang naitalang sugatan.