Philippine Azkals 2019
AFC Asian Cup 2019, Group C – Kyrgyzstan vs Philiippines at Rashid Stadium on 16.01.2019.

Muling hahamunin ng Philippine Azkals ang China para sa isang initernational friendly sa darating na Hunyo 7 sa Guangzhou, China.

Ayon sa Philippine Football Federation, ang nasabing laban ay bahagi ng paghahanda ng Azkals para sa 2022 FIFA World Cup qualifiers na gaganapin sa Setyembre.

Ito na ang ikatlong pagkakataon sa loob ng dalawang taon na maghaharap ang Pilipinas at China sa football pitch.

Noong 2017, winasak ng Chinese squad ang Azkals, 8-1, sa isang friendly, bago biguin ulit ang mga Pinoy, 3-0, sa AFC Asian Cup.

Kasabay nito, ito rin ang unang laban na lalahukan ng Azkals mula noong Enero.

Sa kasalukuyan, nasa ika-124 puwesto ang Azkals sa FIFA World Rankings, samantalang inookupahan naman ng China ang ika-74 puwesto.