Israel Folau
Folau/ IG post

Tuluyan ng sinibak ng Australian rugby union authorities si Israel Folau dahil sa social media post nito na bumabatikos sa mga gay.

Ayon sa Rugby Australia, na ang 30-anyos na si Folau ay nakagawa ng matinding paglabag sa Code of Conduct ng Professional Player.

Mayroon lamang itong 48 na oras para tanggapin ang pagsibak sa puwesto at kung hindi nito tanggapin ay mahaharap ito ng kaso.

Pumirma ng apat na taon na kontrata si Folau sa Sydney-based Super Rugby side na The Waratahs noong March at may kontrata din ito sa Rugby Australia hanggang 2022.