-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bumisita sa Iloilo ang deputy ambassador ng Australian Embassy bilang bahagi ng tradisyon ng mga chief diplomats na simbolo ng magandang relasyon sa pagitan ng Australia at Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Australian Deputy Head of Mission to the Philippines Richard Sisson, sinabi nito na layunin din ng kanyang pagbisita ay ang makita ang mga regional areas at ma-establish ang pagkakaiba ng mga probinsya, lungsod , bayan, at mga rehiyon.

Nakita din nito ang potensyal ng lungsod na makaakit ng maraming investors dahil sa handang work force na produkto ng malalaking unibersidad sa Iloilo.

Tiniyak din ni Sisson na patuloy ang binibigay na suporta ng Australian Government sa sektor ng edukasyon lalo na sa pagpondo sa mga Teacher training programs at ganun din sa aquaculture programs.

Hindi naman napigilan ni Sisson na mamangha sa ganda ng lungsod ng Iloilo
dahil agaw-pansin na desinyo ng mga gusali at naipreserbang arkitektura.

Kinumpirma naman nito ang naging anunsyo ni Australian Foreign Minister Senator Penny Wong na in-appoint si Hae Kyong Yu bilang bagong ambassador ng Australia sa Pilipinas at magsisimula ang kanyang assigment sa Pilipinas sa katapusan ng Hulyo 2022.

Ang Pilipinas at ang Australia ang mayroon nang 75 taong formal diplomatic relations.