MELBOURNE – Inulan ng niyebe na halos kasing laki ng bola ng golf ang ilang bahagi ng Australia nitong Lunes.

Ayon sa Bureau of Meteorology na nakabase sa New South Wales, naka-monitor sila ng malaking pinsala dahil may mga sasakyang nabasag ang windshield, mga bahay na nasira at ilang kataong naapektuhan.

Katunayan, nakapagtala ang kanilang Emergency Services Agency ng record na 1,900 na tawag para humingi ng saklolo.

May mga hayop ding namatay sa pangyayari at mga halamang nasira.

Maliban kasi sa hail storm, sumabay din ang buhawi na humagupit sa ilang parte ng Canberra. (NPR)