CAUAYAN CITY- Pormal ng idineklara ang bayan ng Aurora sa Lalawigan ng Isabela bilang drug cleared municipality noong ika-1 ng Hulyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pol Capt. Villamor Andaya, ang hepe Aurora Isabela, sinabi niya na dinaluhan ng mga miyembro ng Brangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at matatas na opisyal ng bayan ng Aurora ang deklarasyon.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin nilang minomonitor ang kanilang nasasakupan upang matiyak na hindi na babalik sa kanilang dating gawain ang mga tokhang responders at drug surrenderers.

Patuloy naman ang kanilang pagbibigay ng alternatibong kabuhayan sa mga ito upang matiyak na tuluyan na nilang talikuran ang illegal na droga.