ILOILO CITY – Itinuturing na inspirasyon ng atleta mula sa Guimaras ang kanyang kapatid na naudlot ang pangarap na maging runner dahil sa injury.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Joida Gagnao, tubong Old Poblacion, Guimaras, sinabi nito na mas pursigido siyang manalo at mag-uwi ng medalyang ginto Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Gagnao, ito ang pinakauna niyang pagsabak sa SEA Games na katuparan ng pangarap nilang magkakapatid.

Ani Gagnao, sa kanyang pagtakbo ay dadalhin niya ang pangarap ng kanyang kuya na tumigil na rin sa pagsali sa mga larangan ng pagtakbo dahil nagtamo ito ng injury sa paa.

Tatakbo si Gagnao sa 3000 steeple chase at 5000 meter run at target ang gold medal.