Isang panalo na lamang ang kailangan ng Atlanta Hawks matapos na masilat nila sa Game 5 ang Philadelphia Sixers, 109-106.

Dahil dito abanse na sa 3-2 sa serye ang Hawks sa nagpapatuloy na NBA semifinals.

Kapag nanalo pa sa Game 6 ang Hawks uusad na ito sa Eastern Conference finals upang harapin naman ang magwawagi sa pagitan ng Brooklyn at Bucks.

Tulad ng dati muli na namang bumida sa panalo ang point guard ng Atlanta na si Trae Young na may 39 big points, 11 rebounds at 7 assists.

Nangulelat pa sa first half ang Hawks pero pagsapit ng 3rd lalo na sa 4th quarter ay dito na rumatsada sa puntos ang Atlanta.

Maging ang big game ni Joel Embiid na nagtala ng 37 points ay walang nagawa sa pagbawi ng hawks sa renda ng kalamangan.