LAOAG CITY – Tiniyak ni sports coordinator Arsenio Cabacungan, ng Department of Eduacation sa lungsod ng Laoag ang maiging pagsasanay ng mga atleta para sa 2020 Region 1 Athletic Association (R1AA).

Ayon kay Cabacungan, malaki ang nagbago sa training ng mga atleta dahil may mga national trainors na tumutulong sa mga ito.

Aniya, nagsimulang mag-training ang 456 na atleta noong Nobyembre 2019.

Una rito, inihayag ni Mayor Michael Marcos Keon, at dating executive director noon ng Project Gintong Alay na ipinatupad ito para sa mas magandang performance ang mga atleta sa R1AA.

Inaasahan ni Cabacungan na makakakuha sila ng mataas na pwesto kumpara sa nakalipas na R1AA.