May kakaibang paraan si Ateneo volleyball star Jia Morado para makatulong sa mga health workers at frontliners.

Sa kaniyang Facebook sinabi nito na kaniyang ia-auction ang puting jersey nito na kaniyang huling taon na paglalaro sa Ateneo.

Magsisimula ang nasabing auction sa halagang P1,200.

Ang mga interesado ay dapat magtungo sa “Every Little Thing Counts” Facebook page at mag-bid na magtatapos hanggang Abril 1 ng 12 ng tanghali.

Naging national team player si Morado at two-time champion sa UAAP na tinaguriang best setter noong Season 77.