CENTRAL MINDANAO- Brutal na pinatay ang isang matanda na inakusahang aswang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si alyas Laila,63 anyos,byuda at residente ng Brgy Bagumbayan Magpet North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Magpet PNP ay pinasok ng hindi kilalang suspek ang kubo ng biktima at pinagsasaksak gamit ang matalim na kutsilyo.

Patay na ang biktima nang madiskubre ng pamilya nito nang magtamo ng labing anim na saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Inakusahang aswang ng ilang residente si Lola at minsan lang umano itong lumalabas ng kanyang kubo at tuwing gabi pa.

Naging manananggal umano si Lola tuwing kabilugan ng buwan at namimiktima ng tao sa ibang lugar.

Mariin naman itong pinabulaan ng pamilya ng biktima at wala umanong katotohanan ang akusasyon na itoy aswang kung saan magsasampa sila ng kaso sa mga taong nanira kay Lola.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Magpet PNP sa pamamaslang sa biktima.