CAGAYAN DE ORO CITY – Dismayado ang isang caretaker nang malaman na kabilang sa ninakaw sa loob ng binabantayan niyang bahay ang brief ng kaniyang amo sa may Purok -3, Kisolon, Sumilao, Bukidnon.

Ito’y matapos lumabas sa ginawang imbestigasyon ng pulisya na kabilang sa natangay ng kawatan ang assorted brief sa may-ari ng bahay na si J.V Roberto Javier , 55-anyos na nagkakahalaga sa P400.00.

Ayon sa caretaker na si Reynaldo Namatan, 59-anyos, ni-ransak ng hindi kilalang suspek ang bahay ng pamilyang Javier kung saan dumaan ito sa kisame.

Maliban sa ninakaw na brief, nabitbit din ng kawatan ang pera na nagkakahalaga ng P4,000 at iba pang mga gamit na nagkakahalaga naman ng P57,500.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang mga responsable sa nangyaring pagnanakaw.

-- Advertisement --