LA UNION – Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang isang aso matapos itong mahulog sa balon sa Barangay Santiago Norte, San Fernando City, La Union.

Una rito, isang Ginang Cristina Rualo, residente sa nabanggit na lugar, ang nagpaabot ng impormasyon sa pamamagitan ng panawagan sa Bombo Radyo La Union.

Aniya, halos tatlong araw nang nananatili sa loob ng balon ang nasabing hayop.

Kaagad namang gumawa ng aksyon si Punong Barangay Gilbert Duclayan para mailigtas ang aso bago pa mahuli ang lahat matapos na makipag-unayan sa kanya ang Bombo Radyo.

Gayunman, aminado si Punong Barangay Duclyan na delikado ang balon dahil maaaring mapahamak at mamatay ang taong mahuhulog dito.

Kasabay nito ang pagtiyak na aayusin na nila ito upang hindi na maulit pa ang insidente.