-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakiisa na rin ang mga Filipino at Fil-Am communities sa US sa panawagan na tapusin na ang Asian hate.

Dahil dito suhestiyon na magtalaga si US President Joe Biden ng isang Asian American bilang senior member sa Cabinet position.

Sa report ni Bombo International Correspondent Jesse Vizcocho sa Bombo Radyo Legazpi, systemic at institutionalized na umano ang mga pag-atake laban sa ibang .

Tipikal na nabibigyan kasi ng konsentrasyon sa usapin ang pagiging migrante lamang ng ilan at hind ang mga positibong traits na iniaalok ng mga Asyano.

Isa pang bagay na tinitingnang ugat ng racism ay ang lack of exposure ng ibang Amerikano sa kultura ng ibang lahi kung kaya ang prejudice ay nauuwi sa diskriminasyon.

Ikinatuwa rin ng grupo ng National Federation of Filipino American Associations na nakikiisa si Biden sa hinaing ng mga Asyano.

Subalit kaysa tema lamang sa “table of discussion” ang mangyari, mas makakabuti aniya na magtalaga ng tao sa posisyon na magtatalakay at talagang magpapaintindi sa iba pa sa totoong kalagayan ng mga Asyano.

Aminado rin si Vizcocho na panimula pa lamang ito dahil dadaan pa sa mahabang proseso bago tuluyang matapos ang diskriminasyon.