LEGAZPI CITY – Hinihintay na lang na makumpleto ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Albay, ang mga requirements ng pribadong slaughter house na pansamantalang ipinasuspinde ang operasyon.

Nabatid kasi sa isinagawang inspeksyon ng mga otoridad na may mga kakulangan sa sanitary requirements ang pasilidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mayor Victor Perete, na ngayong araw ang pagtatapos ng 3-day deadline na inilaan sa pamunuan ng slaughter house.

Nanindigan ang alkalde na bubuksan lamang ang pasilidad kung makaka-comply ng standards ang slaughter house na ipinasara sa gitna ng banta sa African Swine Fever.

Depensa pa nitong seguridad ng mga konsumidor ang nakataya habang nakaagapay naman ang tulong ng lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, dinadala na muna sa slaughter house sa lungsod ng Legazpi ang mga baboy na kinakatay.