El Chapo after his arrest

Nakatakdang maglunsad ng kaniyang clothing brand ang asawa ng Mexican drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Sinabi ni Emma Coronel, ipapangalan niya ang brand sa nasabing Mexican mob boss.

Dagdag pa ng 29-anyos na si Emma na nais niyang i-promote ang kaniyang istilo at maging ang asawang si El Chapo.

Nanawagan din ito sa mga interesadong designers sa buong mundo na siya ay hanapin para sa paglunsad nito.

Ilan sa mga nais ng 61-anyos na si El Chapo ay ang simpleng pagsusuot lamang ng makulay na t-shirts, baseball caps at sneakers.

Inihalimbawa rito ang naging kasuotan ng actor na si Sean Penn na siyang gumanap ng isapelikula ang buhay ni Guzman.

Magugunitang noong Pebrero 12 ay na-convict si Guzman dahil sa pagpuslit ng ilang toneladang cocaine, heroin, methamphetamines at marijuana sa United States at ito ay nakatakdang basahan ng hatol sa Hunyo na maaaring maharap sa habambuhay na pagkakakulong.