-- Advertisements --
jolo2

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na mayroon nang affidavit of complaints ang pamilya ng apat na sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Guevarra, ang asawa ng apat na sundalo mismo ang nagsampa ng kasong pagpatay sa siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa mga sundalong sinasabing target ang babaeng teroristang planong magpasabog sa mataong lugar sa Jolo.

Una nang kinumpirma ni PNP CHief PoliceGeneral Archie Gamboa na nasa Kampo Crame na ngayon ang siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa mga sundalo.

Mananatili sa restrictive custody ng PNP ang naturang mga pulis.

Samantala, nakakuha na raw ang NBI ng sapat na ebidensiya sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa pinangyarihan ng insidente at sa mga susunod na araw ay maglalabas na sila ng inisyal na resulta ng naturang imbestigasyon.

Maalalang noong Hunyo 29 nang mapatay ng mga pulis ang naturang mga sundalo nang magtungo sa lugar ang mga sundalo para raw tugisin ang dalawang babaeng suicide bomber.