Reading Time: 1 minute
ASAP ROCKY 1
ASAP ROCKY/ IG POST

Hinatulang guilty ng korte sa Stockholm, Sweden ang rapper na si ASAP Rocky at dalawang kasamahan nito.

Ito ay dahil sa kasong pambubogbog ng rapper na si Rakim Mayers sa tunay na buhay kasama sina Bladimir Corniel at David Rispers.
Pinagbabayad lamang ang mga inireklamo sa damages.

Ayon sa korte na hindi gaanong mabigat ang nasabing kaso kaya hindi na makukulong ang mga ito.

Tanging kondisyon lamang ng korte ay dapat hindi na masangkot pa sa anumang gulo ang 30-anyos na rapper sa loob ng dalawang taon dahil kapag nangyari ay sila ay ikukulong.

Magugunitang nasangkot sa kaguluhana ng rapper noong katapusan ng Hunyo at nakulong ng ilang linggo.

Nanawagan ang kapwa singer nito kay US President Donald Trump na tulungan ito.