Tiwala pa rin si Top Rank CEO Bob Arum na matutuloy pa rin ang laban ni Filipino boxer John Riel Casimero kay undefeated Japanese boxer Naoya Inoue.

Naoya Inoue
Naoya Inoue

Kasunod ito ng pagkansela ng laban ng dalawa noong Abril dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Arum na inaasahan na magtutungo sa US sa buwan ng Setyembre ang Japanese boxer.

May record ang WBO world bantamweight champion na si Casimero na 29 panalo, apat na talo at na mayroong 20 knockouts.

John Riel Casimero
JOHN RIEL CASIMERO

Habang ang reigning IBF at WBA world bantamweight champion ay mayroong record na 19 record, walang talo at 16 na knock outs.

Umaasa rin si Arum na sa buwan ng Oktubre ay tuluyan ng payagan ang mga audience na manonood.