Nilusob ng armadong kalalakihan ang military detachment sa Shariff Aguak sa bayan ng Maguindanao nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Anhouvic Atilano, ang tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division, mula sa grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pang-aatake.

Mabilis namang nakaganti ang mga sundalo mula sa kalapit na lugar gamit ang mga tangke na pandigma.

Nagsasagawa na ang mga otoridad ng hot pursuit operations laban sa mga BIFF members.