norte1

Narekober ng mga operating units ng 97th Infantry Batallion ang mga nakatagong matataas na kalibre ng armas ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bunawan, Godod, Zamboanga del Norte.

Ayon kay 97th IB commanding officer, Lt. Col. Manaros Boransing ang mag-asawang dating miyembro ng NPA na sumuko sa militar ang nagbigay ng impormasyon at nagturo sa lugar kung saan nakatago ang mga armas ng komunistang grupo.

Ayon kay Boransing limang AK-47 assault rifles ang narekober ng mga sundalo mula sa imbakan ng mga rebelde.

Naniniwala naman si 102nd Brigade commander Brig. Gen. Leonel Nicolas na ang humihinang pwersa ng mga rebelde ay dahil sa pinalakas na opensiba ng militar laban sa grupo.

norte2

Kaisa naman ng militar ang iba’t-ibang stakeholders para panatilihin ang momentum laban sa kanilang kampanya ukol sa insurgency.

Ayon kay 1st Infantry Division commander, Maj. Gen. Generoso Ponio, dahil sa humihinang pwersa ng NPA hindi magtatagal tuluyan ng mawala ang presensiya ng mga Communist terrorist group sa Zamboanga Peninsula region.

“We will claim to be victorious in this battle and in due time, the peace-loving people of Zamboanga Peninsula will enjoy a safe, peaceful and progressive society for their families, ” wika pa ni Maj. Gen. Ponio.