-- Advertisements --
AFP Army soldier

Idineklara ng Armed forces of the Philippines na insurgency free na ang buong Davao region o malaya na mula sa Communist Party of the Philippines’ armed wing, New People’s Army (CPP-NPA).

Ginawa ng AFP at Regional Peace and Order Council 11 ang naturang pahayag matapos na mapaulat na na-dismantle at nabuwag na ang guerilla fronts, Pulang Bagani Commands, at iba pang NPA formations na dating nag-operate sa Davao Region.

Dahil dito ayon sa Philippine Army’s 10th Infantry Division, nabawasan na ang pinakamaliit na pangkat na lamang ang mga rebeldeng grupo bagamat nananatili pa rin ang remnants ng mga miyembro ng rebel group.

Iniulat din ng AFP na mula sa unang taon ng panunungkulan noon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, nasa 1,749 rebels ang na-neutralized, 107 napatay, 217 nahuli, 1,425 ang sumuko,1,597 firearms ang nakumpiska, 9,985 ng Underground Mass Organization (UGMO) ang syumuko, 401 barangays ang nalinis mula sa impluwensiya ng Communist Terrorist Group (CTG).