Hiniling ng gobyerno ng Arizona sa mga pagamutan nito na paganahin ang kanilang mga emergency plans.

Isa kasi ang Arizona sa 19 estado ng US na tumataas ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 na nasa second peak na nito.

Nasa 78% na kasi na mga hospital bed sa intensive care unit ang ginagamit na ngayon.

Sinabi ni Director of Health Services Dr. Cara Christ ng Arizona na dapat maging ‘judicious’ ang mga pagamutan sa mga pag-oopera ng pasyente para matiyak na may sapat na bed capacity.

Malaking problema kasi sa nasabing estado ang bed capacity lalo na noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.