Ariana Grande
Ariana Grande/ IG post

Ibinunyag ni Ariana Grande na may dinaramdam itong sakit.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi nito na kumikirot ang kaniyang lalamunan at ulo.

Hirap din aniya itong huminga sa ginawa niyang concert noong nakaraang mga araw.

Dahil aniya sa kaniyang sakit ay posibileng kanselahin na rin niya ang kaniyang mga paparating na concert.

Pinawi naman nito ang pag-aalala ng kaniyang mga fans dahil ito ay umiinom naman ng gamot para sa kaniyang paggaling.

Dahil dito ay maraming mga fans nito ang nagpaabot ng mabilisan nitong paggaling.