Nakaranas ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente ang Argentina at Uruguay.

Maging ang ilang bahagi ng Paraguay ay naranasan din ang kawalang ng suplay ng kuryente.

Isinabay ang nasabing kawalan ng suplay ng kuryente habang naghahanda na ang mga tao para bumuto.

Umabot sa 48 million katao ang naapektuhan sa nasabing malawakang kawalan ng suplay ng kuryente.

Ito ang unang pagkakataon na naranasan ng mga mamamayan ng bansa.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing kawalan ng kuryente.

Tiniyak naman ng mga kumpanya na nagsusuplay ng kuryente na kanilang maibabalik ang kuryente matapos ang walong oras.