DAVAO CITY – Arestado ang isang licensed architech sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad.

Kinilala ang suspect na si Joannes James Arroyo, 35 at residente ng Purok 9, Barangay Sto. Nino, Tugbok, lungsod ng Davao.

Batay sa report, hindi na nakapalag si Arroyo nang arestuhin ito ng mga pinagbentahan niya ng droga na tauhan ng Toril Police station.

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang anim na sachet ng pinaghihinalaang shabu, P12,000 namarked money at cell phone na kanyang ginagamit sa transaksiyon.

Napag-alaman na una na ring naaresto si Arroyo noong nakaraang taon dahil umano sa pagkakasngkot sa illegal drug trade pero nakalabas ng kulangan matapus maka-avail umano sa probation for rehabilitation sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Dahil sa dami ng nakuhang shabu sa kanyang posisyon at sa paulit-ulit nitong pagkaaksangkot sa iligal na gawain, siniguro ng mga otoridad na hindi na ito makakalabas pa ng kulungan.