cropped Commissioner Rowena Guanzon 1

Kinumpirma ni Commission on Elections (CComelec) Commissioner Rowena Guanzon na balik na muli ang araw ng Sabado na schedule para sa mga bagong botanteng nais magparehistro.

Ayon kay Guanzon, ito ay epektibo ngayong buwan ng Pebrero para bigyang daan ang mga botanteng kabataan na may online class at ang mga pumapasok sa trabaho sa weekdays.

Una kasi rito, ipinatupad ng Comelec ang araw ng pagpapatala ng mga botante sa araw lamang ng Lunes hanggang Biyernes para bigyang daan ang pagdidi-sinfect sa kanilang mga pasilidad.

Ang idinadaos na voters registration ay bilang paghahanda sa local and national elections sa susunod na taon.

Lahat aniya ng mga nagpa-rehistro sa SK elections na tutuntong sa edad na 18-anyos bago o sa araw ng May 9, 2022 ay otomatikong nakarehistro na  para sa 2022 presidential elections.

-- Advertisement --