Nag-anunsyo na ng pagbubukas sa aplikasyon para sa mga nais maging kandidata ang bagong Miss Universe Philippines (MUP) organization.

Sa kanilang social media page, nakapaskil ang link ng application form para sa mga kababaihan na gustong sumunod sa yapak ng world-class Pinays na sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray na minsan ng kinoronahan bilang Miss Universe.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin ang Miss Universe Philippines pageant sa 2020 matapos i-take over ng MUP ang franchise ng Miss Universe mula sa Araneta Group at Binibining Pilipinas Charities Inc.

Ang deadline ng submission ng applications ay sa January 18, 2020.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here