Tinawag na “untimely” o di napapanahon ng Department of National Defense (DND) ang apela ng UP Council para bawiin nito ang kinanselang UP-DND 1989 accord, sa kadahilanang nagsimula nang mag-uusap ang dalawang panig.


Ayon kay Defense spokesperson Director Arsenio Andolong, nagsimula na kasing magdayalogo sina Secretary Delfin Lorenzana at UP President Danilo Concepcion kaugnay sa nasabing isyu.

Nagkasundo na rin ang dalawang partido na muling magkaroon ng pag-uusap ng sa gayon mailatag ang kani-kanilang mga posisyon kaugnay sa isyu ng sa gayon magkaroon ito ng magandang kasunduan na mayroong balance legal considerations at moral obligations.

Sinabi ni Andolong na sila ay nasurpresa sa hakbang ng UP Council lalo na at mismong si UP President Concepcion na ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.
Nitong nakaraang linggo nagpulong sina Concepcion at Lorenzana.

-- Advertisement --