Sinalubong ni New Zealand Jacinda Ardern si Duke of Cambridge Prince William sa pagbisita nito sa Auckland, New Zealand kahapon.

Dumalo muna ito sa ANZAC memorial service saka dumiretso sa Starship Children’s Hospital kasama si Prime Minister Ardern at dito ay nakilala niya ang limang taong gulang na si Alen Alsati na kagagaling lamang sa coma.

-- Advertisement --

Matapos nito ay bumisita rin ang prinsipe sa Christchurch Hospital kung saan nakadaupang-palad nito ang mga nakaligtas sa terror attack na patuloy pang nagpapagaling mula sa mga sugat na natamo ng mga ito sa insidente.

Kinagabihan ay nagpunta ito sa Christchurch justice center upang makilala ang mga otoridad na rumesponde sa insidente.