-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Sinuspinde muna ng lokal na pamahalaan ng Malay ang pag-obliga sa mga manggagawang papasok sa isla ng Boracay na magpakita ng negatibong antigen test result.

Ito ay batay sa abisong ipinalabas ng LGU-Malay na pirmado ni Malay acting mayor Floribar Bautista.

Nauna dito, hinahanapan ng antigen screening test ang mga manggagawa noong nakaraang buwan upang masigurong hindi malusutan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Bautista dahil halos 78 porsiyento na ang nabakunahang tourism workers sa isla kaya’t minabuti nilang pansamantalang ipatigil ang antigen testing.

Batay sa ipinalabas na Executive Order 031 noong Hulyo 31, 2021, papayagan ang mga manggagawa na makalabas ng bayan ng Malay sa kundisyon na makabalik agad makalipas ang 12 oras dahil kung hindi, obligado silang magsumite ng antigen test result.