Ginamitan ng tear gas at water cannon ng mga otoridad ang mga raliyista sa Hong Kong matapos muling manggulo ng mga ito malapit sa local headquarter ng China’s People’s Liberation Army (PLA).

Pinagbabato ng mga raliyista ang salamin ng tanggapan at hinarang din ng mga ito ang ilang kalsada habang sumisigaw ang mga ito.

Nagpakawala ng blue water ang Hong Kong police sa mga raliyista na ginagamit din sa ibang bansa upang kaagad na makilala ang mga nag-aalsa.

“A large group of violent protesters are occupying Harcourt Road. They also hurled bricks at police officers. Their acts pose a serious threat to the safety of everyone on site,” saad ng otoridad.