Pinaboran na mananalo ni heavyweight unified champion Anthony Joshua si Tyson ‘Gypsy King’ Fury sa paparating na laban nito kontra kay WBC heavyweight champion Deontay ‘Bronze Boer’ Wilder na gaganapin sa Pebrero 22 (US Time) sa MGM Grand Arena.

fury wallin

Ayon kay Joshua hindi si Wilder ang pinakamagaling sa boxing ngunit napakatindi ng kanang kamao na nagpatumba sa 41 nitong mga nakalaban sa 42 panalo.

Dagdag pa nito, kung maiiwasan ni Fury ang kanan ni Wilder ay tiyak ang pagkapanalo nito.

“Fury can punch a bit. He’s understimated with his punching power which makes him dangerous. If you understimate someone it makes them dangerous because you don’t respect them until you get hit,” wika ni Joshua sa isang panayam ng Sky Sports.

Sina Wilder, Fury at Joshua ang tatlo sa pinakatanyag ngayon sa heavyweight division at dalawa sa kanila ang maaaring maglaban para sa undisputed championship.