anthony joshua 1
Two-time unified heavyweight champion Anthony Joshua

Nakatanggap ng malaking halagang alok ang kampo ni two-time unified heavyweight champion Anthony Joshua para harapin ang kapwa nitong British boxer na si Tyson Fury matapos magwagi kontra kay Deontay Wilder.

Ayon sa kampo ni Joshua, posibleng isagawa ang laban nila sa Middle East o sa Saudi Arabia.

Umayaw naman ang kampo ni Fury at inihirit sa Top Rank na gawin na lamang ang laban sa US.

Hinihintay pa ng dalawa ang ibang mga detalye ng kontrata bago isapinal ang lugar kung saan ito gaganapin.

Huling lumaban si Joshua noong 2019 nang makaganti ito at talunin sa rematch si Andy Ruiz na ginanap sa Saudi Arabia.

fury wilder 2
Fury vs Wilder 2 at MGM Grand in Las Vegas (photo grab from Doc John Melo)