Nalalapit na ang December 21 deadline pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nakakapirma si Giannis Antetokounmpo ng bagong kontrata sa Milwaukee Bucks.

Sinasabing nag-aantay kay Antetokounmpo ang tumataginting na $228 million supermax extension.

giannis antetokounmpo

Nang matanong naman ang binansagang “Greek freak” kung pipirma na siya ng supermax contract, sinagot nito na hindi muna siya nakapokus dito kundi ipinauubaya na niya sa kanyang agent at sa general manager ng team.

Aminado naman si Giannis na pinakamalaking desisyon ang kanyang gagawin kung sakali sa mga nalalapit na araw.

“I’m just trying to focus on myself and how I can get better, how I can help my teammates be better, how I can be ready Saturday (Sunday PH) to play our first preseason game,” ani Giannis.

Ilan naman sa lumutang na mga options ng NBA superstar ay maglaro pa rin sa Milwaukee ngayong season at papasok sa free agency bilang unrestricted free agent sa next summer, o kaya naman pumirma siya ng parehong kontrata sa susunod na offseason.

Ang unang laro ng Bucks sa preseason games sa weekend ay kontra sa Dallas Mavericks.