-- Advertisements --
image 209

Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa may Angat dam dahil sa mga pag-ulan dulot ng bagyong Dodong.

Bagamat inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Reponsibility ang bagyo ngayong araw, nakatulong naman ang mga pag-ulan dahil sa bagyo na pinaigting pa ng hanging habagat para bahagyang mapataas ang antas ng tubig sa dam.

Ayon sa state weather bureau, nasa 46 centimeter ang nadagdag sa Angat dam simula noong Hulyo 14 mula sa dating 178.02 meters sa 178.48 m na naitala nitong umaga ng Sabado, Hulyo 15.

Subalit nananatili pa rin na mababa sa 180 meters na minimum operating level ng Angat dam ang water level nito.

Samanatala, tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo at Magat dam, lamesa, Binga, San Roque dam at Pantabangan dam.

Bumaba naman ang antas ng tubig sa may Caliraya at Ambuklao.