Reading Time: 1 minute

Nilinaw ni Anne Curtis na hindi big deal sa kanya kung siya man ang humawak ng mikropono sa question and answer portion ni Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria sa 2019 Binibining Pilipinas coronation.

Ito’y matapos maging tampulan ng katatawan ang nasabing Bicolana bet pero iginiit na hindi niya sinadya ang nagawa sa 34-year-old TV host/actress.

“Sa lahat ng nag-Q and A, si Miss Sorsogon lang ang buong tapang na ginawang microphone holder si Anne Curtis. Nakapamewang siya with both hands the whole time,” ilan sa meme.

Ayon kay Miss Sorsogon, ninenerbyos lamang siya at nag-concentrate sa kanyang pagsagot.

“So today I woke up as a meme.

I honestly had no bad intentions towards @annecurtissmith I was just really nervous and was concentrating to answer the question being asked.

Anne is a superstar and was very kind, polite and gracious to all of us. It was a pleasure and inspiring to be in her presence🌹” paliwanag ni Galeria.

Sa panig ni Curtis, “Hey gorgeous! Don’t worry about it and don’t mind the memes. All of you were nervous and had to concentrate on one of the most crucial parts of the pageant – the Q &A. It was an honour to be of service to you and all the beautiful candidates. Ganyan lang talaga minsan.”

Nagtapos ang pambato ng Sorsogon hanggang sa Top 15, kasama ang early favorite na si Vickie Marie Rushton ng Negros Occidental.