Masayang inanunsyo ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff na magkakaroon na sila ng tsikiting.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang official Instagram accounts, gumawa ang mga ito ng special video para ianunsyo ang panibagong kabanata sa kanilang married life.

“I think you should know something… Another reason to love November,” saad pa ng 34-year-old actress.

Palaisipan naman sa mga fans ang post ng blogger/restaurateur na “5/9,” kung saan para sa iba ay tila limang buwan nang nagdadalang-tao si Anne.

Taong 2017 nang ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng engrandeng private ceremony sa New Zealand.

Bago ang pagbubuntis ni Anne, una nang nagpakilig sa mundo ng showbiz ang nakatakda namang pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.