Kinampihan ng animal shelter sa Los Angeles ang singer na si Aaron Carter matapos na ito ay batukisin dahil sa pagbebenta ng mga aso na kaniyang inaampon.

Ayon sa L.A. County Animal Care and Control, na kapag nag-aampon lamang ang singer sa lugar at hindi ibinebenta sa ibang lugar ay wala itong nilalabag.

Tanging ang pakay kasi ng mga animal shelter ay makahanap ng mga aampon sa mga asong nasa kanilang kustodiya.

Magugunitang umani ng batikos ang singer dahil sa pagbebenta ng mga aso kaniyang inaampon sa mga shelter.

Marami ang tumatangkilik sa nasabing pagbebenta ng singer dahil sa pagkakaalam nila ay inaalagan ng matagal mismo ng singer ang mga aso.