-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang singer-actress na si Angeline Quinto.

Sa kaniyang social media, sinabi nito na noong Marso 26 ay na-exposed siya sa taong positibo sa COVID-19.

Nakasabay umano nitong kumain ang tao na walang mask at sa sumunod na araw ay agad itong sumailalim sa COVID-19 test at doon na lumabas na positibo na ito.

Nakadama ito ng ilang sintomas gaya ng diarrhea at lagnat pero nananatili pa rin stable ang kaniyang paghinga at pang-amoy.

Noong Marso 28 ay doon na lamang naramdaman na nawalan na rin ito ng panlasa.

-- Advertisement --

Sa ikaapat na araw ay lumabas ang resulta ng mga nakasalamuha niya kung saan lahat aniya ng mga ito ay negatibo.

Labis naman ang kalungkutan nito dahil sa pagka-isolate niya dahil hindi sanay itong mag-isa.

Nitong Abril 1 ang pang-pitong araw niya sa isolation ay bumalik na rin ang kaniyang pang-amoy at umaasa na ito na tuluyang gagaling na.