Ipagdiriwang ni Angel Locsin ang kaniyang kaarawan ngayong araw April 23 sa pamamagitan ng pagtatayo ng sariling community pantry.

Sa kaniyang social media account, ipinasilip nito ang ginagawa nitong preparasyon sa ipapatayong community quarantine.

Makikita ito sa isang gusali sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City kung saan mayroong mga iba’t ibang produkto gaya ng delata, itlog, alkohol, kape, asukal at mga gamot.

Magbubukas aniya ito mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Nananawagan ang actress na lahat ay imbitado basta sumunod lamang sa mga protocol na ipinapatupad.

Magugunitang naglipana na parang kabute sa buong bansa ng mga community pantry bilang isang uri ng bayanihan.