Inanunsyo ni three-time Grand Slam champion Andy Murray na babalik ito sa singles competition sa susunod na linggo sa ATP Cincinnati Masters.

Ito ay pitong buwan matapos sumailalim si Murray sa right hip surgery na pinangangambahang magiging hudyat ng pagtatapos ng kanyang karera.

Ibinahagi ng British star ang kanyang larawan sa Facebook page nito na may caption na: “That feeling when you accept a wildcard for the singles in Cinci… #LetsDoThis #HereWeGo.”

Bumulusok sa 325th sa world rankings ang 32-year-old Scotsman matapos ang kanyang operasyon noong Enero.

Ang laban nito sa susunod na linggo sa Cincinatti sa final major tuneup para sa US Open ay ang kanyang unang competitive singles outing mula noong Australian Open.

Makikipagtuos si Murray kay Richard Gasquet sa unang round ng torneyo. (AFP)