Wala sa plano ni Andi Eigenmann na madaliing maibalik uli ang kanyang sexy figure kasunod ng panganganak nito sa ikatlong pagkakataon.

Nabatid na ngayong araw ay isinilang na ng 30-year-old actress ang pangalawang anak nila ng surfing champ husband to be na isang malusog na baby boy.

Kaagad nag-post si Eigenmann ng larawan nito kasama si Philmar Alipayo, at newborn baby habang dumidede sa kanya.

Sa ngayon ay one year old pa lamang ang kanilang panganay na isang babae, at babae rin ang kanyang naging anak sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Sa panig naman ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose, bakas ang kasiyahan nito sa bagong apo.

Disyembre noong nakaraang taon nang maging engaged sina Philmar at Andi kung saan pumatok ang kakaibang photoshoot nila na kinuhanan sa malalim na bahagi ng karagatan.