“Life must go on” para sa anak ng OPM (Original Pilipino Music) legend na si Jim Paredes.

Pahayag ito ng Paris-based chef na si Erica sa gitna ng kinakaharap na video scandal ng kanyang ama na una nang nanahimik sa online world matapos mag-sorry kasabay ng pag-amin.

Hindi naman direktang binanggit ni Erica na ang naturang iskandalo ang rason ng kanyang pansamantalang paglayo muna sa online world, bagkus, ito raw ay dahil sa “too much toxic energy.”

Bakas din ang sentimyento nito kasabay ng payo sa kanyang mga followers na mag-post lamang ng mga bagay na mayroong “sense” at palaging pahalagahan ang mga mahal sa buhay hangga’t maaari.

Nilinaw naman nito na nakakatulong sa kanya ang mga nagpaabot ng mensahe ng suporta at nais ding bumalik sa normal ang pamumuhay.

“I had an outpour of love and support in my inbox this morning. We are dealing with it. Just want life to go back to normal already. Whatever that really means in my not normal life,” bahagi ng nakasaad sa tinatawag na Instagram story nito.