KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pamamaril-patay sa anak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commander sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon kay S/Insp. Herman Luna, hepe ng Lambayong PNP, tinambangan umano ng riding in tandem suspects si Norman Sanday alyas Dong, anak ni MILF 106 Base Command Commander Guevarra habang sakay sa motorsiklo nito sa Purok San Isidro, Barangay New Cebu sa nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na personal grudge ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.

Narekober naman sa crime scene ang tatlong bala ng .45-caliber na armas na siyang ginamit sa pamamamaril.

Idineklara naming dead on the spot ang biktima matapos magkaroon ng tama ng bala sa katawan at ulo nito.

Sa ngayon, ipinangako naman ni Commander Guevarra na ipapaubaya na sa PNP ang imbestigasyon sa pagpatay sa anak nito.