Reading Time: 1 minute

TUGUEGARAO CITY – Arestado sa buy bust operation ang anak ni Gonzaga, Cagayan Mayor Marilyn Pentecostes, sa isang sabungan sa Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si Jonjie Sumer Pentecostes, 44-anyos na residente sa Barangay Paradise sa bayan ng Gonzaga at nasa listahan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa iligal na droga.

Narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.7 grams at nagkakahalaga ng P4,900.

Una nang nakulong si Pentecostes dahil sa illegal possession of firearms noong nakaraang taon ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.