ILOILO CITY- Lalo pang madidiin ngayon ang mag-amang suspek sa brutal na pagpatay at paggahasa sa isang dalaga sa Abangay, Janiuay, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Ronalyn Bravio, 19 anyos samantalang ang primary suspect naman ay ang pinsan nitong si Rhegie Levoit, 42 anyos at anak na si alyas Toto,14.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Pol Capt Dadjie Delima, hepe ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na umamin na rin ang binatilyo na ginalaw din niya ang biktima na kanyang tiyahin dahil pinilit at tinakot siya ng kanyang ama na papatayin kapag hindi niya ito sinunod.

Samantala, sinabi naman ng primary suspect na si Levoit na handa siyang panagutan ang kanyang ginawa dahil alam niyang hindi siya mapapatawad ng pamilya ng biktima.